Una sa Balita

Serious illegal detention at unlawful arrest

By
0 923

Dear Atty. Claire,

Madalas kong madinig ngayon yung kasong serious illegal detention at unlawful arrest. Ano ba iyong serious illegal detention? Kailan ba masasabi na may unlawful arrest dahil sa ngayon ay ang daming nangyayari na pang aaresto kahit walang warrant… yun iba ay napaplantahan lang ng bawal na drugs o ginagawan lang ng kaso para perahan.

Gumagalang,

Bing

Dear Bing,

Napapanahon ang mga tanong mo dahil sa ito ang madalas mong nadidinig sa mga news ngayon.

Ayon sa Art. 267 ng Revised Penal Code ay maaaring makasuhan ang isang tao ng kidnapping o serious illegal detention kung kanyang sapilitang kinuha ang isang tao at ikinulong o tinanggalan ng laya na makakilos o makagalaw ng malaya.

Ang penalty ay reclusion perpetua hanggang kamatayan (death penalty ia suspended) kung ang mga sumusunod ay naganap:

a. Kung ang kidnapping o detention ay tu­magal ng higit sa 5 araw.

b. Ginawa na nagpanggap o nanggaya na parang may public authority o kapangyarihan na “mag-detain” o magkulong;

c. Kung may serious physical injuries na isinagawa sa taong dinukot o ikinulong o may mga pagbabanta na siya ay papatayin;

d. kung ang dinukot ay isang menor de edad.

Kamatayan naman ang parusa kapag ang kidnapping o detention ay ginawa upang mag-extort o manghingi ng pera mula sa biktima o sa ibang tao kahit na hindi nagawa ang mga naunang nabanggit “circumstance” sa pars. a to d.

Ang maximum penalty­ rin ang ipapataw kapag ang biktima ay pinatay, pinagsamantalahan (rape) o na torture o ginawan ng di makataong aksyon.

Samantala ang unlawful arrest ay ginawa ng isang indibidwal (walang kapangyarihan na mang-aresto at walang dahilan sa pag-aresto) na nang aresto o nanghuli at nagkulong ng isang tao upang dalhin sa mga awtoridad. Kapag sinabi na walang dahilan ang paghuli at pagkulong ay lumalabas na walang dahilan o anumang krimeng ginawa ang taong hinuli at kinulong.

Dahil sa ganitong sitwa­syon ay maaaring sampahan din ng kasong krimen na “incriminatory machination” o yung tinatawag na nagtatahi ng storya upang magawan ng kaso ang isang hinuli o ikinulong ng walang dahilan.