Una sa Balita

Lubak sa NLEX papatagin ni Guiao

0 2,402

Team Standings
(PBA Commissioner’s Cup)
W L
TNT 3 0
Meralco 3 1
Rain or Shine 3 1
Alaska 2 1
Phoenix 2 1
GlobalPort 2 1
Columbian Dyip 3 2
Magnolia 0 1
San Miguel 0 1
Ginebra 0 2
NLEX 0 3
Blackwater 0 4

Mga laro ngayon: (Biñan, Laguna)
4:30 pm — Phoenix vs NLEX
7:00 pm — Ginebra vs Blackwater

Nakaamba na ang daliri ni coach Yeng Guiao, parang gusto nang pindutin ang pa­nic button.

Sa tatlong salang sa PBA Commissioner’s Cup, wala pang naipapanalo ang NLEX ni Guiao.

Nasobrahan yata ng hangover mula sa ratsada sa nakaraang Philippine Cup nang makarating ang Road Warriors hanggang semifinals bago yumuko sa Magnolia.

“We’ve been struggling so far, but it’s very early,” palubag-loob na pahayag ni Guiao matapos huling sumadsad, 106-90, sa Meralco Bolts noong Mayo 4.

Pagkatapos ng isang linggo, dadayo ng Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna ang Road Warriors para harapin ang Phoenix (2-1). Nasi­lat ng Fuel Masters ang Hotshots, 89-87, noong Linggo sa MOA Arena.

Pagkatapos ng laro sa nightcap, isa sa Ginebra (0-2) at Blackwater (0-4) na ang sasampa sa win-column.

Aminado si Guiao na kung wala pang mangyayari sa mga susunod na laro ay mahihirapan na silang makaangat sa midseason tournament.

“To be in a hole like 0-3, emergency situation na ‘to kumbaga,” dagdag ni Guiao. “If we don’t pick it up in the next few games, I guess we will be looking forward to the next conference.” 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy