Una sa Balita

207 barangay official na sangkot sa illegal drugs kakasuhan ng PDEA

0 650

Kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na sasampahan ng kasong kriminal sa korte ang may 207 barangay official na hinihinalang sangkot umano sa kalakalan ng illegal drug trade sa bansa.

Ayon sa PDEA sa natu­rang bilang, 90 sa mga ito ay barangay captain habang 117 naman ang barangay kagawad na hinihinalang sangkot sa kalakalan ng illegal drug trade.

Nabatid ito kay PDEA Director General Aaron N. Aquino makaraang isiwalat ng ahensiya ang mga pangalan ng mga barangay official na sangkot sa kalakalan ng illegal drugs.

Sinabi ni Aquino na karamihan umano sa mga barangay official na sangkot sa kalakalan ng illegal drugs ay naitala sa Region 5 o Bicol Region, na may kabuuang barangay official na 70 na sangkot, sumunod ang Cordillera Administrative Region (CAR) na may 34 brgy. official na sangkot sa illegal drug, habang aabot naman sa 13 sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).