Una sa Balita

Gumagamit ng deepwell masusuplayan ng malinis na tubig

By
0 958

Tiniyak ng Maynilad na masusuplayan na ng malinis na tubig ang mga re­sidenteng dumepende sa mga deepwell para may magamit sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay makaraang ianunsiyo ng Maynilad Water Services Inc. ang paglalaan ng kompanya ng P743 milyong ha­laga para sa mga bagong pumping stations at re­servoir ngayong taon para maabot at masuplayan ng malinis na tubig ang mas maraming mga water customer.

“We in Maynilad have made it our mission to improve the li­ving conditions of our customers through better water access. Hence, we keep investing in the infrastructure enhancements needed to connect new customers and boost service levels for existing ones,” pahayag ni Maynilad President at CEO Ramoncito S. Fernande.

Ang itatayong mga bagong pumping station at reservoir (PSRs) ay magbibigay-daan para mapabuti ang water pressure sa may 87,000 customer at makapaglagay ng dagdag na isang mil­yong network ng kompanya.

Ang bagong pasilidad ay itatayo sa Valenzuela at Muntinlupa na may combined water storage capacity na 75 million liters para bigyan-daan ang pagbuti pa ng suplay ng tubig sa mga custo­mer.