Una sa Balita

Davis, Pelicans nanggigil, Warriors binulaga sa ‘G3’

By
0 626

Dominante sa kanyang teritoryo si Anthony Davis at nakabalik sa NBA Western Conference semifinals ang New Orleans Pelicans.

Hindi napigil sa kanyang highlight dunks, drives, put-back at alley-oops, umiskor si Davis ng 33 points, may sahog pang 18 rebounds at four steals, at inambus ng Pelicans ang Golden State Warriors 119-100 Biyernes ng gabi.

“He came out aggressive. He set the tone on both ends of the floor,” papuri ni Rajon Rondo sa kanyang kakampi matapos idikit ng New Orleans ang series 2-1. “He attacked the rim strong tonight.”

Sa likod ni Davis, na-outscore ng Pelicans ang Warriors sa paint 54-36, nangibabaw pa sa rebounds 54-44.

Kilala ang Warriors sa pagbura ng malalaking deficits, pero sa tuwing magtatangkang mag-rally sa Game 3 ay may sagot agad ang Pelicans.

Sa halos buong second half ay naghabol ng double digits ang Golden State, naiwan ng 25 sa third at 26 sa fourth.

Inalat din ang outside shoo­ting ng Warriors, sablay ang 22 sa 31 pukol sa 3-point range at 35 for 92 lang sa field.

Tumapos si Klay Thompson ng 26 points sa Golden State, pero 9 of 22 lang sa shooting. Sa ikalawang laro mula knee injury, 6 for 19 din si Stephen Curry at may 19 points.

May 22 points si Kevin Durant sa Warriors, pero nakadalawang basket lang sa second half. Naka-11 points, 12 rebounds at nine assists si Draymond Green.

“Their defense was great,” suma ni Golden State coach Steve Kerr.

Umayuda ng 21 points si Jrue Holiday, may 19 si Ian Clark sa New Orleans. Binak-apan ni Rondo ng 21 assists ang pakiki­pagsagutan muli kay Green.

Sa New Orleans pa rin ang Game 4 ng Linggo.