Una sa Balita

Horoscope 05/05/2018

0 248

ARIES (March 21-April 19) – Isang mahal sa buhay ang determinadong baguhin ang mga plano mo nang walang anumang pasabi. Pakinggan din ang kanyang pananaw. Hindi rin masamang pagbigyan ang ilan niyang iginigiit pero hindi ang lahat-lahat. Lucky number for today: 29

TAURUS (April 20-May 20) – Inaakala ng iba na madali ka lamang pasunurin subalit hindi nila alam na kaya mong magmatigas sa kahit anong pressure na ilatag sa iyo. Panindigan ang itinutu­ring mong tama at sa pagkakataong ito, sila ang mapapasunod mo. Lucky number for today: 55

GEMINI (May 21-June 20) – Nasa posisyon ka ngayon para maigiit ang mga gusto mo kung ipapakita mo lamang ang iyong determinasyon. Hindi mo kailangang maging popular sa lahat ng pagkakataon. Lucky number for today: 21

CANCER (June 21-July 22) – Nararamdaman mong tila hindi ka akma sa isang sitwasyon. At hindi ka makakilos nang ayon sa nais mo. Isang taong hindi mo inaasahan ang aalalay sa iyo para malagpasan ang senaryong ito. Lucky number for today: 50

LEO (July 23-August 22) – May pagkakataong kapag nagpipilit tayong hanapin ang isang bagay ay lalo itong nagiging mailap. Ganito ngayon ang sitwasyon mo. ‘Wag madismaya dahil pansamantala lamang naman ito. Lucky number for today: 17

VIRGO (August 23-September 22) – ‘Wag munang isipin ang sasabihin ng iba. Kumilos nang ayon sa mga plano mo. May oportunidad na hindi dapat sayangin. Lakas ng loob ang tangi mong kailangan. Lucky number for today: 42

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – May pressure na nararamdaman subalit hindi dapat magpatalo. Kaya mong magpokus sa dalawang importanteng isyu sa pagkakataong ito. Push pa more at makikita mo ang mga benepisyong para sa iyo sa mga susunod na araw. Lucky number for today: 39

SCORPIO (October 23-November 21) – Kailan mo huling sinabi sa taong mahal mo na sadyang importante siya sa buhay mo? Kung medyo natagalan na ito, gamitin ang mga susunod na araw para muling masabi ito at hindi lamang maipadama sa kanya. Lucky number for today: 2

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Magkaiba ang nakikita mo at ng isang taong malapit sa iyo sa iisang sitwasyon. Magkaiba kayo ng opinyon kaya magkaiba rin ang inyong interpretasyon. Gayunpaman, hindi ito dapat paabutin sa matinding bangayan. Lucky number for today: 2

CAPRICORN (December 22-January 19) – Gaano man kaayos ang isang partnership kung hindi naman napapag-usapan ang ilang sensitibong isyu ay hindi rin magiging maganda sa katagalan. Bigyan ng panahon ang pagtalakay sa mga isyung matagal niyo nang isinasantabi. Lucky number for today: 11

AQUARIUS (January 20-February 18) – ‘Wag makunteno sa puwede na. Itaas ang goal pagdating sa relasyon. Kailangan mo ng heart to heart talk sa iyong partner kung nararamdaman mong marami na siyang pagkukulang. Lucky number for today: 29

PISCES (February 19-March 20) – Iwasang maging unrealistic pagdating sa mga expection mo sa iyong lovelife. Alalahaning walang taong perpekto. Tanggapin na meron ding mga negatibo sa iyong mahal pero mas bigyan ng pokus ang kanyang mga positibong katangian. Lucky number for today: 26