Una sa Balita

Nabahag ang buntot!

By
0 745

Laman na naman ng balita ang mga pulis-Caloocan. Hindi matanggap ng tatlong pulis na magitgit sa kalsada kaya biglang sinugod ang isang bara­ngay at pilit na pinalabas ng bahay ang isang lalaki na nakagigitan sa kalsada dahil sa trapik.

Maangas na nagpa­kita ng baril ang tatlong hambog na pulis subali’t biglang nabahag ang buntot ng matutukan ng ‘cellphone camera’ ng mga residente.

Nawala ang pagkala­sing at naging maamong tupa ang tatlong magkakapatid na pulis.

Nakatikim ng ‘people power’.

***

Ang daming dapat liwanagin at sagutin ang tatlong pulis. Nakasibilyan ang mga ito ng sumugod sa barangay: may COMELEC exemption ba ang mga ito para hindi masakop sa ipinatutupad na “gun ban” sa buong bansa?

At dahil ba sila ay mga pulis ay may karapatan ba silang labagin ang mga ipinatutupad na batas?

***

Hindi dapat makalampas ang pag-abuso ng tatlong pulis-Caloocan na nanggulo sa katahimikan ng isang barangay.

Tinawag pa naman silang tagapanatili ng kaayusan at kapayapaan ng pamayanan, pero taliwas ang kanilang ipinakita.

***

NCRPO Director Camilo Cascolan, Sir kung naagrabyado man ang tatlong pulis dahil sa trapiko, hindi dapat ganon ang ipinakitang asal ng mga ito.

Related Posts

Marahil kung wala ang taumbayan, ang taong sinugod ng tatlong pulis Caloocan ay may pinagkalagyan.

Hindi dapat palagpsin ang pangyayaring ito. Dapat patawan ng parusa ang tatlo ng hindi pamarisan ng mga kapwa pulis nito.

***

Nakaladkad na naman ang Grab Transport Service sa kontrobersiya matapos magreklamo ang isang babaeng pasahero na minanyak ng driver-partner ng Grab.

Ang tanging sagot lamang Grab:

Inalis na sa kanilang hanay ang partner-driver.

Kawawa naman ang mga pasahero ng Grab. Pera lang pala ang habol sa mga pasahero.

Kung hindi ba naman talagang mukhang pera eh…hanggang ngayon ang usapin ng “overcharging” ay hindi pa rin nareresolba, may mukha pang iniharap sa pagsusulong ng dagdag na singil-pasahe.

***

Kung magdedemanda ang babaeng nagreklamo laban sa driver-partner ng Grab, dapat isama na rin sa asunto ang pamunuan ng Grab.

Hindi mangyayari ang pambabastos kung hindi dahil sa Grab. Hindi magtatagpo ang biktima at ang “maniac” na driver kung hindi sa Apps ng Grab.

Hindi pwedeng dumistansiya ang Grab sa insidenteng ito. “Bad business practice” ang tawag dito.