Una sa Balita

Tabla hinirit ni WGM Frayna

By
0 617

Nakahirit ng draw si Janelle Mae Frayna kina International Master Alina L’ami ng Romania at fellow Woman Grandmaster Keti Tsarsalashvili ng Georgia upang manatiling nasa tuktok matapos ang five rounds ng JAPFA International Closed WGM tournament sa Indonesia, Biyernes ng gabi.

Nakalikom si Frayna ng apat na puntos, kasalo nito sa tuktok si WIM Mila Zarkovic ng Serbia na kinalos si WGM Anda Safranska ng France sa event na may 12-player single round robin.

Solo sa tersero puwesto si Indonesian WFM Ummi Fisabilillah na tabla ang laro sa kababayang si Nur Abidah Shanti.

Abante Hiring – IT dep

Makakalaban ni Frayna sa round six si WIM Chelsie Monica Ignesias Sihite ng host country.

Ang kampanya ni Frayna ay bilang paghahanda sa susunod niyang tournament sa Europe, makakasama niya si FM John Marvin Miciano.