Una sa Balita

112-anyos na Japanese pinakamatandang lalaki sa mundo

0 517

Binahagi ng 112-anyos na Japanese ang sikreto ng kanyang mahabang buhay.

Ipinanganak si Chitetsu Watanabe noong Marso 5, 1907 sa Niigata, Tokyo.

Opisyal na ipinagkaloob sa kanya ng Guinness World Records ang titulo bilang world’s oldest man sa kanyang nursing home sa Tokyo noong Pebrero 12.

Namatay na kasi ang dating may hawak nito na si Masazo Nonaka, isa ring Japanese, noong Enero 2020 sa edad na 112 taon at 266 araw.
Ayon kay Watanabe, ang hindi magalit at madalas na pagngiti ang susi sa pagkakaroon ng long life.

Sa kabila ng hilig niya sa matatamis gaya ng custard pudding o leche flan, hindi ito nakaapekto sa kanyang kalusugan.

Samantala, ang oldest living ­person ay isa ring Japanese, si Kane Tanaka, 117-anyos na babae.

Batay sa Guinness, ang oldest verified person ever ay si Jeanne Louise Calment ng France. Namatay ito sa edad na 122. (Issa Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More