Una sa Balita

Horoscope 04/19/2018

0 231

ARIES (March 21-April 19) – May oportunidad ngayon na magbibigay sa iyo ng stepping stone. Gamitin ang pagkakataong ito upang makaarangkada sa isang matagal mo nang ipinupursige. Anumang gawin mo ngayon ay magiging matatag na pundasyon sa hinaharap. Lucky number for today: 30.

TAURUS (April 20-May 20) – Sa pagkakataong ito, kailangan mo munang maghintay bago ka makakilos. Habaan pa ang pasensya. Alalahaning sa mga oras na ipinaghihintay mo ay maaari mo pang rebisahin ang lahat ng mga plano. Lucky number for today: 19.

GEMINI (May 21-June 20) – Kailangan mo munang tumapak sa numero at makibagay sa ilang mas nakakataas sa iyo. Hindi ito ang pagkakataon para pairalin ang pride. May positibong idudulot ang pagtitiyaga. Lucky number for today: 41.

CANCER (June 21-July 22) – Kailangan ngayon na doblehin ang lahat ng effort. ‘Wag nang magsayang ng oras sa pagrereklamo. Kung seryoso ka sa pinagsisikapan mo, lahat ay pagti­tiisan mo. Lucky number for today: 44.

LEO (July 23-August 22) – Magrelaks at panatilihing bukas ang isip sa mga bagong oportunidad kasama na ang ilang pagbabago. Hindi mo makukuha sa pagmamadali ang mga gusto mong gawin sa araw na ito. Kailangan mong mag­hintay. Lucky number for today: 45.

VIRGO (August 23- September 22) – Kung ano ang nasa harap mo, kailangan mong tanggapin. May mga limitasyon sa iyo ngayon ngunit bahagi ito ng pro­seso na kailangan mong pagdaanan. Dagdagan pa ang pasensya. Lucky number for today: 19.

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – ‘Wag mong ilayo ang sarili mo sa ibang tao. Kailangan mong buksan hindi lamang ang mga mata mo kundi ang iyong pandinig. Marami ka pang kailangang malaman at hindi ito mangyayari kung tatalikuran mo ang oportunidad. Lucky ­number for today: 50.

SCORPIO (October 23-November 21) – May natatanggap kang proteksyon mula sa mga taong tunay na nagmamalasakit sa iyo. Bahagi nito ang kanilang mga paalala kung meron kang ginagawang puwede mong ikapahamak. Bigyan ng panahon ang pakikinig sa kanila. Lucky number for today: 57.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Sa araw na ito, hindi masamang maki­pagsapalaran at subukan ang isang hindi mo pa nagagawa. Alalahaning laging mahirap ang pag-uumpisa. Ang nagwawagi ay ang mga hindi agad umaatras sa laban. Lucky number for today: 3.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kailangan mong magdesisyon kung hanggang saan lamang ang limitasyon mo. May pagkakataong mas makabubuting huminto na at tanggaping hanggang dito na lamang ang lahat. Lucky number for today: 10.

AQUARIUS (January 20-February 18) – May maitutulong ang iyong impluwensya para tulungan ang mga taong importante sa buhay mo. ‘Wag pagkaitan ng panahon ang mga taong ito. Lucky number for today: 53.

PISCES (February 19-March 20) – ‘Wag agad sumuko sa laban. Anumang sitwasyon ay kayang lagpasan kung determinasyon ang paiiralin. May kailangan ka lamang baguhin sa isang nakasanayan. Lucky number for today: 31.