Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

1,100 pamilya 7 araw lockdown sa Caloocan

0 342

Nasa kabuuang 1,100 household ang tiyak na maaapektuhan sa naging desisyon ng Caloocan City local government, na isailalim sa pitong araw na lockdown ang isang barangay sa lungsod dahil sa pagtaas ng bilang ng nagpopositibo sa COVID-19.

Ayon kay Mayor Oscar Malapitan, ngayong araw epektibo ng lockdown sa Brgy. 93 na magtatapos sa July 18, 2020 dakong alas-12:00 ng umaga. Nagpasya ang alkalde na i-lockdown ang nasabing lugar nang mag-positibo sa COVID-19 ang 28 residente base sa lumabas na resulta ng swab test.

Magdadagdag pa ng pulis na magbabantay sa barangay upang masiguro na walang pagala-galang residente habang naka-lockdown ang nasabing barangay.

Hindi kasama sa pinagbabawal na lumabas ang mga frontliner pati na rin ang mga kawani ng city health office na magsasagawa ng disinfection sa lugar. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.