Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

11 volcanic earthquake pinaramdam ng Mt. Kanlaon

0 470

Labing-isang volcanic earthquake ang pinaramdam ng Mt. Kanlaon sa nakalipas na 24-oras kahapon.

Sa inilabas na Volcano Bulletin ng Phivolcs, nagbuga rin ang bulkan ng moderate emission ng kulay puting steam-laden plumes mula sa bunganga nito.

Magugunitang noong July 7 ay nagtala na rin ng average na 169 tonnes kada araw na sulfur dioxide ang nasabing bulkan.

Dahil sa abnormalidad nito’y nananatili sa alert level 1 ang Mt. Kanlaon.

Muling pinaalalahanan ng Phivolcs ang lokal na pamahalaan na bawal pa rin ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) ng bulkan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.