Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

11 tulak nasakote sa Cavite

0 184

Tinatayang abot sa P200,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa pagdakip sa 11 na hinihinalang tulak sa magkasunod na buy-bust operation sa dalawang drug den sa Bacoor City, Cavite.

Kinilala ang mga suspek na si Maila Vasquez, Jonathan Francisco, Ariel Madrelejos, Ismael Sanman, Ramil Malinao, Rommel Depano, Jayson Lopez, Ruel Bertudez, Jeffrey Supil, Alejandro Estrada at Denver Paquingan.

Patuloy pa namang hinahanap ang target ng buy-bust operation na si alyas ‘Bato’ matapos itong makatakas.

Sa ulat, dakong alas-12 ng tanghali nang ikasa ang police operation ng pinagsamang pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 4A, Cavite Police Drug Enforcement Unit at Bacoor City Police Station sa Silangan St., Brgy Talaba 7, Bacoor City.

Hindi nahuli ang target sa naturang buy-bust, ngunit nakorner naman ang nangangasiwa sa drug den na si Vazquez, at ilang kasamahan nito. Nakuha sa kanila ang 15 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P103,500 at ilan pang drug paraphernalia.

Isa pang anti-illegal drug operation ang kinasa ng pulisya kung saan kinalampag ang isa pang drug den sa parehong lugar kung saan abot naman sa 20 gramo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska na tinatayang may halagang P103,138. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.