Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

11 taon hinintay: Merwin diniliber ginto sa bowling

0 90

Hindi matatawaran ang ipinakitang kahusayan sa execution at tamang focus sa laro ni Merwin Mattheiu Tan upang maibigay sa Philippine bowling national team ang kauna-unahang gintong medalya matapos ang 11 taong pangungulila kasunod ng come-from-behind victory nito sa men’s singles competition sa 31st Southeast Asian Games sa Ha Noi Royal City sa Hanoi, Vietnam.

Mula sa ika-5th place sa laro ay bumitaw ng magagandang strokes ang 22-anyos na 3rd year Marketing student ng DLSU-St. Benilde Antipolo sa ika-5th at 6th frame sa 234 at 249 sa kabuuang 1,292 puntos upang higitan ang silver medalist na si Yannaporn Larpapharat ng Thailand at Ryan Leonard Lalisang ng Indonesia na bronze.

Dahil sa panalong nakamit ng tubong Marikina bowler ay muling nagwagi ng gintong medalya ang ‘Pinas sa nag-iisang gold medal noong 2011 Jakarta Games mula sa 1-2 finish nina Frederick Ong at Jeremy Posadas.

“Sobrang super-duper saya lalo na nung nalaman ko na come-from-behind pala ‘yung panalo ko. Hindi ko alam during the game kung ano’ng place ko, kinukuwento lang nila sa akin na galing ako from the back. Basta ako tuloy lang sa execution,” pahayag ni Tan sa panayam ng Abante Sports.

Naluha naman sa kasiyahan si Philippine Bowing Federation secretary general Bong Coo sa nakuhang tagumpay ni Tan na sa wakas ay naputol na ang mahigit isang dekadang paghihintay sa ginto matapos ang ga silver at bronze medal finish sa nagdaang 2019 SEA Games na ginanap sa Coronado Lanes, Starmall EDSA Mandaluyong City.

“First of all we thank the Lord. Ang daming dasal na inabot namin. Masayang masaya kami na finally sa tagal ng hinintay namin na paunti-unti nanalo ng bronze at silver, ngayon may gold na,” wika ni Coo. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.