Una sa Balita

11 Sayyaf sumuko sa Basilan

0 1

ZAMBOANGA­ CITY — Ipinarada­ kahapon ng Philippine­ Army ang 11 miyembro ng umano’y Abu Sayyaf na sumuko sa lalawigan ng Basilan sa Muslim autonomous region na kung saan ay patuloy ang operasyon ng militar kontra tero­ristang grupo na may kaugnayan sa Islamic State.

Kinilala ang mga terorista na sina Ring Langka, Tari at Halid­ Murasimin, Moton ­Indama, Haimin Jalil, Marham Musana, Sadjara Hadjarama, Gulam­ Hajim, Haraward Sahirulla, Basri Laisun at Hasim Baliyung; Sumuko ang mga ito sa bayan ng Sumisip.

Isinuko rin ng mga ito ang kanilang mga ­armas, kabilang ang isang ­machine gun at mga rifle­ grenades, ayon pa sa Army.

Hindi naman agad mabatid kung sasampahan ba ng kaso ang mga ito sa korte dahil hindi naman kabilang ang Abu Sayyaf sa progra­mang amnestiya ng pamahalaan. Marami­ na ring sumukong Abu Sayyaf­ sa nakalipas na dalawang dekada, ngunit karamihan sa mga ito ay muling buma­lik sa kanilang grupo at ipinag­patuloy ang pakikipaglaban sa pamahalaan upang maitatag ang sariling estado sa bansa, partikular sa Mindanao. (Al Jacinto)