Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

11 sanggol natusta ng sunog sa Senegal

0 119

Nasawi ang 11 bagong silang na sanggol habang tatlo ang nailigtas matapos masunog ang isang pampublikong ospital sa lungsod ng Tivawan, Senegal noong Huwebes ng gabi.

Mabilis na kumalat ang apoy sa Mame Abdou Aziz Sy Dabakh Hospital na sanhi ng short circuit sa neonatal department nito.

Dahil sa insidente, sinibak ni Senegal President Macky Sall si Health Minister Abdoulaye Diouf Sarr.
Kasabay ng kanyang pakikiramay sa pamilya ng mga biktima, ipinag-utos din ni Sarr ang tatlong araw na pagluluksa ng bansa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.