Una sa Balita

11 pulis na basher ni Albayalde itinapon sa Sulu

By
0 935

IPINATAPON sa lalawigan ng Sulu ni Philippine National Police (PNP) Director General Oscar Albayalde ang 11 pulis na kanyang naging basher sa Facebook account na ‘buhay lespu’.

“Yes. They have been relieved and reassigned to Sulu because Sulu lacks personnel for the maintenance of peace and security in that area,” kumpirmasyon ni Albayalde.

Sinabi ni Albayalde na ang ginawa niyang paraan ay upang hindi maimpluwensiyahan ng nasabing mga pulis ang kanilang mga kabaro na lumaban o hindi rumespeto sa kanilang mga opisyal.

“Sabi nga natin ‘yung pag-oppose is wala namang bawal diyan provided na hindi natin hinahaluan ng paninira, hindi natin hinahaluan ng disrespect especially to our commanders on the grounds because we need to follow rules and regulations, nasa Constitution ‘yan, nasa batas ‘yan,” paliwanag ni Albayalde.

Nilinaw pa ni Albayalde na hindi parusa sa mga pulis ang reassignment dahil ang parusa sa kanila ay patawan ng conduct unbecoming of a police officer.

Matatandaang kamakalawa nang hapon ay humarap kay Albayalde sa Camp Crame ang 11 pulis na basher niya sa FB.
Samantala, siyam pang pulis na basher din ng FB page na ‘buhay lespu’ ang inaasahang ipatatawag ng Directorate for Intelligence and Detective Management matapos na hindi sila sumipot sa Camp Crame.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy