Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

11 pulis-Cebu sa `torture room’ di tatantanan

0 96

Nag-iimbestiga ngayon ang Commission on Human Rights (CHR) sa pagkakasangkot ng 11 pulis kaugnay sa pagkakabunyag ng kanilang ‘torture room’ sa isang warehouse sa Cebu.

Pawang mga nakatalaga sa Sawang Calero Police Station ang 11 na sangkot nangayon ay nahaharap sa kasong robbery, abitrary coercion, grave coercion at grave threat.

Nakipag-ugnayan na ang CHR sa Integrity Monitoring Enforcement Group (IMEG) ng Philippine National Police (PNP) para masiguro ang kaligtasan ng mga nabiktima ng pulis na sangkot sa torture.

Ito ay matapos pumutok ang balita na may secret detention facility ang Cebu City police station-6 kung saan dalawang babae umano ang ikinulong, ginahasa at tinorture.

Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline Ann de Guia, sangkot ang 11 pulis matapos magsampa ng kaso ang dalawang biktimang babae na ikinulong sa kanilang secret detention facility sa Pasil Police Station 6 sa Cebu City. (Vick Aquino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.