Una sa Balita

11 Pinay sa Saudi, nabuang

0 2,111

Tinatayang 140 distressed overseas Filipino workers (OFWs) ang nasa kanlungan ngayon ng Konsulado ng Pilipinas sa Jeddah, Saudi­ Arabia.

Sa bilang na ito, 11 sa kanila ang nasiraan ng bait habang nagtatrabaho sa kanilang amo.

Hindi pa sila ipinapasok sa mental facility dahil sinusubukang gamutin muna sa konsulado kung babalik ang kanilang katinuan.

Lahat ng inaaruga ngayon ng konsulado ay mga Pinay at may kanya-kanyang kuwento sa naging problema nila sa buhay at t­rabaho, ayon kay Consul Rodney Jonas Somague­.

Ilan sa sinasabing dahilan kaya nawala sa katinuan ang 11 Pinay ay dahil nakaranas sila ng pang-aabusong pisikal, seksuwal o kung hindi sila pinapakain ng sapat o tulog.

Karamihan umano sa nawalan ng katinuan ay mga baguhan at naninibago sa kanilang environment.

Subalit kailangan pa rin umano ng isang eksperto o doktor upang masuri kung ano talaga ang naging dahilan at nasira ang kanilang ulo.

Dahil dito, humingi ng tulong ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa gobyerno para sa agarang pagpapadala ng medical team upang masuri ang OFWs na nabuang.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy