Una sa Balita

11 patay kay Hagibis sa Japan

0 337

UMABOT na sa 11 katao ang ­naitalang patay nitong Linggo, ­Oktubre 13 sa pananalasa ng bagyong Hagibis sa Japan.

Ilan sa nasawi ay dahil sa ­landslide habang ang iba ay tinangay ng baha habang sakay ng kanilang kotse habang nasa kasagsagan ng pagbayo ng bagyong Hagibis sa ilang bahagi ng Japan.

Maliban sa 11 patay ay mahigit isang dosena ring residente ang nawawala.
Umabot sa halos 100 katao ang sugatan dahil sa pananalasa ng bagyo.

Gayunman ay puspusan ang ­ginagawang rescue operation ng mga ­militar sa Japan para masiguro ang ­kaligtasan ng mga naipit na residente sa kanilang mga tirahan.

Ang Hagibis ang naitalang pinakamalakas na bagyong tumama sa Japan sa mga nakalipas na taon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy