Una sa Balita

11 panabong tinangay

By
0 147

ALIAGA, Nueva Ecija — Labing-isang mamahaling manok na panabong ang tinangay ng mga hindi nakilalang magnanakaw mula sa farm na pag-aari ng isang mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa Sityo 7, Brgy. Umangan sa bayang ito.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni outgoing Mayor Beth Vargas, dakong alas-otso ng umaga noong Sabado nang magsadya sa himpilan ng pulisya ang isang P/Sr. Supt. Jonathan Mendoza Ureta, 51, residente ng nabanggit na lugar at isinumbong ang pangyayari.

Sa imbestigasyon ni PO3 Philip Santos, ipinahayag ng caretaker na si Jurel Oronia Caigas na ipinapalagay umano nito na nangyari ang nakawan sa mga panabong sa pagitan ng alas-10:00 ng umaga noong Biyernes hanggang alas-singko ng umaga noong Sabado.

Aabot umano sa P100,000 ang halaga ng natangay na mga breeder type na panabong na manok, ayon pa sa police official.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy