Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

11 OTB station bubuksan na

0 296

NAGLABAS ang Philippine Racing Commission (Philracom) ng mga listahan ng Off-Track Betting (OTB) station na maaari nang mag-operate.

Ayon sa Philracom, ang mga OTB na naka-post sa kanilang Facebook page ay mula sa Games And Amusements Board (GAB).

May 11 OTB ang makapagbubukas na para matayaan ng mga karerista, siyam sa Quezon City at dalawa sa Pasay.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang mga OTB na magbubukas sa Manila ay ang Havana, A1 Lunch, Andelnes, Yoko, Parekoi, Jamben, Raymund’s, Alibi, Una Bayani at Double Rack.

Nakaraan lamang ay pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) na magbukas na ang mga OTB at hinayag naman ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

May bubuksan din na OTB sa Cavite, Bulacan, Las Pinas, Antipolo, Marikina, Laguna, Malabon, Caloocan, Valenzuela at Mandaluyong. (Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.