Una sa Balita

11-oras na brownout sa Negros Oriental

By
0 120

Inanunsyo kahapon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na makararanas ng 11-oras na power interruption ang mga residente ng Negros Oriental sa Sabado.

Base sa abiso ng NGCP, may isasagawa silang maintenance activities na magiging dahilan ng po­wer interruption.

Bandang alas-siyete ng umaga magsisimula ang power service interruption hanggang alas-sais ng gabi.

Apektado ng brownout ang mga sakop ng NORECO I partikular ang Bais, Bindoy at Guihulngan substations at ang Tanjay substation sa NORECO II.

Isasagawa ang maintenance work ng NGCP sa 69 kilovolt na Amlan-Guihulngan line. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More