Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

11 naputukan sa Cavite

0 193

LABING-ISA katao kabilang ang anim na menor de edad ang isinugod sa ospital matapos madale ng paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon nitong Sabado.

Sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), kinilala ang nasugatang sina Peter Gabi, 32; Ronald Vixcta, 57; Darwin Valencia, pawang ng Imus City; Eugene Calderon, 34; Jude Malayo, 25, kapwa ng Dasmariñas City, Cavite; Torino Melojen, 29 ng Gen Trias City; dalawang 9-anyos, 11, 13, 14 at 19 anyos.

Karamihan sa mga biktima ay nagtamo ng minor burns dulot ng sumirit na luses, habang ang iba sa kanila ay sa kuwitis at isinugod sa magkakahiwalay na ospital para malapatan ng lunas.

Wala namang naiulat na malubhang nasugatan kung saan sila ay pawang na-discharge na sa ospital. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.