Una sa Balita

11 nagpagabi, uminom sa kalsada dinakma

0 462

DAHIL sa paglabag sa curfew at pag-inom sa gilid ng kalsada, 11 na kalalakihan ang inaresto ng Candon City Police Station (CCPS) noong Lunes ng gabi.

Base sa report, ayon na rin sa CCPS, kasalukuyang nagpapatrolya ang mga pulis kasama ang kanilang chief-of-police na si P/Lt. Col. David Dulnuan nang makita nila ang grupo ng mga suspek na umiinom sa gitna ng ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) curfew sanhi ng coronavirus disease-2019 (COVID-19).

Dito, pinagdadampot ng mga pulis ang mga salarin at diniretso sa CCPS.

Rason ng mga suspek, birthday ng anak ng isa sa kanilang kasamahan kaya sila nag-iinuman.

Nahaharap sa kaukulang kaso ang mga suspek na dinala sa himpilan ng pulisya. (Allan Bergonia)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More