Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

11 nadale sa salpukan ng bus, trak

0 92

Sugatan ang 11 katao nang magbanggaan ang bus at trak sa Lambunao, Iloilo, Biyernes ng hapon.

Ayon sa Lambunao Police, nagkasalubong ang dalawang sasakyan sa isang kalsada sa Brgy. Poblacion nang mawalan ng preno ang truck at bumangga sa bus.

Pinakamalubhang nasugatan ang driver ng truck nang maipit sa driver seat.

Dinala naman sa ospital ang sampung sakay ng bus kasama ang driver matapos magtamo ng sugat at makaramdam ng pananakit ng katawan. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.