Una sa Balita

11 nadale sa Road accident

By
0 60

­CABANATUAN CITY — Isang ginang­ ang nasawi at sampung iba ang nasugatan sa aksidenteng nangyari noong Sabado ng hapon sa kahabaan ng Emilio Vergara Highway sakop ng Purok 7, Brgy. Bantug Norte sa lungsod na ito.

Sa isinumiteng ulat ni P/Supt. Ponciano ­Zafra sa tanggapan ni City Mayor Julius Cesar Vergara, nakilala ang nasawi na si Leonila Usi ­Halili, 42, residente ng Brgy. San Nicolas, Gapan City.

Lumitaw sa imbesti­gasyon na dakong alas-singko ng hapon nang nagtangkang mag-overtake ang SUV na minamaneho ni Ruben Beni­tez Gaspar, 61, resi­dente rin ng Brgy. San Nicolas, Gapan City sa nasa una­hang motorsiklo na minamaneho ni Eduardo Balbuena Tumangan, 42, residente ng Brgy. Daan Sarile rito.

Gayunman ­nagiliran ng SUV ang ­motorsiklo na naging sanhi para mawalan ng kontrol sa manibela si Gaspar na sakay ang biktima at bumangga sa poste ng kuryente at bumulusok ito sa bukirin.

Pawang sugatan sina Gaspar at mga sakay na kabarangay na sina ­Alona Sta. Maria Mendoza, 36; Jennifer Sta. Maria Cadag, 34; Renato Danipo Alfonzo, 38; John Michael Sta. Maria Cadag, 1 taong gulang; Mark Joseph Sta. Maria Cadag, 1 taong gulang; Edgar Allan Sta. Maria Mendoza, 37 at Allen Tristan Misionero Mendoza, 14-anyos.

Bukod sa mga ito ay sugatan din si Tuma­ngan at angkas na si Teodora Gaspar Trinidad, 38, na pawang mga dinala sa Wesleyan University-Philippines General hospital at Dr. PJG hospital kapwa sa lungsod na ito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy