Una sa Balita

11 katao huli sa tupada

0 441

Arestado ang 11 katao matapos na maaaktuhang nagsusugal sa isang tupada o iligal na sabong Linggo nang hapon sa Barangay Marikina Heights, Marikina City.

Sa ulat ni P/Col. Restituto Arcanghel, hepe ng Marikina City Police, dakong alas-12:50 nang tanghali nang salakayin ng mga tauhan ng Marikina City Intelligence Branch ang tupadahan sa lugar matapos ang isang tawag mula sa isang concerned citizen hinggil sa pagkakaroon ng nabatid na iligal na sugal.

Naaktuhan pa ng awtoridad ang ilang kalalakihan na aktong magbibitaw na ng manok pansabong.

Agad na nagtakbuhan ang mga mananaya su­balit 11 sa mga ito ay nadakip ng pulisya.

Kabilang sa mga naaresto sina Rodolfo Menguis, 81-anyos; Rodney Flores, 53; Richard Venzon, 44; Cris Uy, 42; Jerry Don, 42; Edward Bondoc, 35; Hercolito Panilag; Jose Marie Tiamzon, 30; Ranilo Padua Jr.; Sonny Araneta, 27; at Pablo Barotilla, 25.

Nakuhang ebidensya ang dalawang panabong na manok na mayroon ng tari, pusta na aabot sa P3,300 halaga.

Dinala ang mga nadakip na suspek sa Marikina City Police detention cell habang sinampahan ng kaukulang kaso. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy