Una sa Balita

11 katao hinahanap sa landslide

By
0 67

NASA 11 katao pa ang hinahanap ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer (PDRRMO) kaugnay sa gumuhong gusali ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sanhi ng landslide sa Banawel, Natonin, Mountain Pro­vince noong nakalipas na bagyong Rosita.

Ayon kay PDRRMO Mountain Province office Atty. Edward Chumawar Jr., gumagamit ng mga heavy equipment gaya ng backhoe para sa kanilang retrieval ope­ration sa mga nawawala pang mga biktima.

Sinabi ni Chumawar, maging ang pamilya ng mga nawawala ay tumutulong na rin sa search operation ngunit sila ay pinagbabawalan ng PDRRMO sa retrie­val operation dahil mapanganib.

Aniya, pahirapan din ang pagtukoy sa pagkakakilanlan ng mga biktima kaya ang proseso na gagawin kapag may na-recover ay agad na isasailalim sa pagsusuri ng pinagsanib na Scene of the Crime Operatives (SOCO) at ng National Bureau of Investigation (NBI) para maitama sa mga pagkakakilanlan ng mga pinaniniwalaang nabaon sa pagguho ng lupa at mga bato.