Una sa Balita

11 chief of police sa Ilocos Norte sinabon

By
0 542

NASA labing-isa na chief of police ng Ilocos region ang ipinatawag at sinermunan ng pamunuan ng Ilocos Norte Police Provincial Office (INPPO) matapos na madiskubre na 26 na illegal drug personality ang hindi pa sumusuko sa ilang bayan ng nasabing lalawigan.

Ito ang kinumpirma kahapon ni INPPO Director for Operation (INPPO-DO) Deputy Director Supt. Reynante Baltazar at sinabing ang mga pinatawag na mga hepe ng pulisya ay mula sa siyudad ng Laoag at Batac, at mga bayan ng Bacarra, Pagudpud, Sarrat, Pasuquin, Currimao, Dingras, Paoay, San Nicolas at Solsona.

Ayon kay Baltazar, matapos malaman ang hindi pagsuko ng 26 na indibidwal na konektado sa illegal drug problem, sinermunan nito at pinagpaliwanag kung bakit hindi nila mapasuko ang mga nasabing drug suspect sa kanilang area of responsibility (AOR).

Ibinigay na sa national headquarters ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame ang pangalan ng mga drug personality na pinasusuko para sumailalim sa rehabilition program ng gobyerno.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy