Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

11 batang Pinoy humakot ng medalya sa taekwondo

0 51

Apat na ginto, limang pilak at dalawang tansong medalya ang hi­nakot ng 11 Fili­pino Taekwondo kids na sumabak sa poomsae events sa isang online na timpa­lak ngayong buwan.

Lahat ng kasa­pi sa Team Don­nie Geisler – sina Frankie Geisler, Levi Jordan To­lentino, Aiden Rafael Uy, Rix Alessandro Gerochi, An­drea Mikhail Alzona, Brandon Luca Gonzalez, Julio Duterte, Joaquin Miguel Reyes, Sophia Alexi Gonzalez, Julia Duterte at Shawn Daniel Tomoro — ay sumungkit ng award sa 2021 Florida Open On­line Taekwondo Championships na nangyari noong Setyembre 11 hanggang 12. Karamihan sa Team DG ay lumahok sa Traditional at Open Poomsae.

Gold ang napanalunan nila Geisler, Tolen­tino, Uy at Gerochi. Silver naman ang naiuwi nina Alzona, Brandon, Julio, Reyes at Sophia habang bronze medal naman ang kina Julia at Tomoro.

Ang mga batang Pinoy ay lumahok sa kom­petisyon sa ilalim ng pagsasanay ng kanilang coach na si Donnie Geisler, na two-time Philip­pine Olympian.

Nabatid na umabot sa 371 atleta buhat sa pitong mga bansa ang lumahok sa nasabing on­line taekwondo championship.

Ang timpalak ay kinabibilangan ng Online Poomsae, Traditional Poomsae, speed kicking, virtual sparring, breaking at weapons. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.