Una sa Balita

11 bagsak sa tokhang, Oplan Galugad

By
0 2,090

Nalambat ang 11 katao sa magkakahiwalay na Anti-Drug Operation at Oplan Galugad sa Taguig, Parañaque at Pasay City kamakalawa ng gabi hanggang madaling-araw.

Arestado ng Taguig City Police ang umano’y tulak na sina Jocelyn Madriaga, 48, ng Barangay Lower Bicutan at Ariel Esguerra, 42, ng Barangay Ususan at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang suspek.

Napag-alaman kay Parañaque City Police Chief Senior Supt. Victor Rosete, walo umanong tulak ng droga ang naaresto sa ikinasa nilang oplan galugad sa Tramo Uno, Barangay San Dionisio at Pascor Drive, Santa Agueda Ibayo, Barangay Sto. Niño dakong alas-11:00 ng gabi.

Ayon kay Rosete, naaktuhang gumagamit ng droga ang mga suspek na sina Estanislao Morales, Manuel Coronay, Antonio Nolido, Rue Jake Mercado, Jay Delariarte, magkakalugar sa Tramo Uno, Barangay San Dionisio.

Nadakip din sina Dexter Barrera, Anthony Jose at Jeffrey Ramos sa Pascor Drive, Sta. Agueda Ibayo, Brgy. Sto. Niño at Rolando Jaime Martinez ng Malibay, Pasay City.