Una sa Balita

11-anyos sugatan sa nasunog na bahay

By
0 355

ISANG 11-anyos na batang babae ang nasugatan sa sunog na naganap sa Cavite City Martes nang madaling-araw na hinihinalang dahil sa napabayaang kandila.

Nasunog ang kaliwang kamay at hita ng biktima na nakatira sa Aplayang Munti, Sison Road, Seabreeze Subdivision sa Cavite City pero matapos itong malapatan ng first aid ay tumanggi na ang kanyang mga magulang na dalhin pa ang biktima sa ospital.

Sa ulat ni PO1 Ri­chard Glean ng Cavite City Police Station, dakong ala-1:24 nang madaling-araw nang nagsimula ang sunog sa higaan ng isang Rostum Francisco na nakatira sa bahay na pag-aari ng kapatid nitong si Rodolfo Francisco sa naturang lugar.

Lumalabas sa inisyal na imbestigayon ni SFO3 Jose Caraos ng Cavite City Bureau of Fire Protection na nagsindi si Rostum ng kandila at inilagay ito sa isang kahoy saka lumabas at nakipagkuwentuhan sa isang kaibigan.

Pagbalik ni Rostum ay nakita na lamang nito na nasusunog na ang kanilang bahay kaya tinangkang patayin ang apoy pero hindi na ito naapula.

Umabot sa ikala­wang alarma ang sunog at idineklarang fire out sa dakong alas-2:45 nang madaling-araw.

Bukod sa bahay ng batang babae ay anim na iba pang tahanan ang nadamay sa sunog at tinatayang nasa P10,000 halaga ang kabuuang pinsala.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy