Una sa Balita

11-anyos nalunod sa Lingayen Gulf, patay

By
0 4,252

PATAY ang isang binatilyo matapos itong malunod sa Lingayen Gulf sa Barangay San Isidro Norte, Binmaley, Pangasinan noong Linggo, Abril 22.

Kinilala ng Binmaley Police Station (BPS) ang biktima na si Mike Laurence de Vera, isang grade 4 pupil, ng Barangay Caloocan Sur, sa nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ng BPS na naliligo ang biktima kasama ang kanyang ate na si Maria Karen Coney, nang biglang ­hilahin ng malakas na alon si Mike sa malalim na parte ng dagat.

Dito na humingi ng tulong si Maria sa mga kaanak na nasa cottage ngunit nakita na nakalutang ang katawan ng biktima sa dagat na dead-on-arrival sa pagamutan.