Una sa Balita

11-anyos ginawang sex slave ng ama, tiyuhin

0 763

ISANG 11-anyos na batang babae ang nagpakulong sa kanyang sariling ama at tiyuhin matapos itong gawing sex slave o parausan ng dalawang taon sa bayan ng Sto. Niño, Cagayan.

Ayon kay Sto. Niño Police Station (SNPS) commander Arnulfo Gabatin, ang ama at tiyuhin ay hindi muna pinangalanan dahil sa patuloy na imbestigasiyon.

Samantala, sinabi ng SNPS, pilit na itinatago ang insidente ng ina ng biktima upang hindi malaman ng mga awtoridad at hindi ito umano pumapayag na sampahan ng rape ang kanyang mister at 14-anyos na ka­patid ng kanyang mister.

Dahil dito, nagpunta mismo ang biktima sa SNPS upang ireklamo ang mga suspek sa diumano’y panggagahasa sa biktima na si Karen (hindi tunay na pangalan).

Sa report ng pulis, pilit na itinago ng ina ni Karen ang krimen sa kabila nang pag-amin sa pulisya ng bata sa panggagahasa sa loob ng dalawang taon.
Bukod sa ama, itinu­ro din ni Karen ang kanyang 14-anyos na tiyuhin na humahalay din sa kanya sa loob ng kanilang bahay.

Nakakulong ang ama at tiyuhin ni Karen sa SNPS detention cell at pinag-aaralan nga­yon ng awtoridad kung anong kaso ang puwedeng isampa laban sa ina ni Karen. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More