Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

11-anyos ginahasa ni uncle, nabuntis

0 140

MALAMIG na rehas ang hinihimas ngayon ng isang magsasaka matapos maaresto sa panggagahasa sa 11-anyos na pamangkin sa Dupax del Norte, Nueva Vizcaya, ayon sa Dupax del Norte Police Station (DdNPS).

Kinilala ng DdNps ang suspek na si Renato Diola, 40, ng nasabing bayan.

Sa report ng pulisya, inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Paul Attolba Jr., ng RTC Branch 30, Bayombong, Nueva Vizcaya sa kasong siyam na bilang ng rape.

SM food to go Banner Ad

Sa testimonya ng biktima, natakot siyang magsumbong dahil sa banta sa kanyang buhay ng tiyuhin.

Ayon kay DdNPS chief-of-police P/Maj. Myla Paguyo, ginagahasa umano ng suspek ang biktima sa tuwing nasa bukid ang kanyang mga magulang. Nadiskubre lang ang panggagahara nang mabuntis ito.

Nakakulong ngayon si Diola sa kasong multiple rape at walang piyansang ibinigay ang korte para sa kanyang temporaryong paglaya. (Allan Bergonia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.