Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

10PM-4AM curfew sa mga bagets binalik

0 165

IPINANUMBALIK sa Metro Manila ang mahigpit na curfew para sa mga edad 17 pababa simula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng mada­ling-araw bilang pag-iingat sa mabilis na pagkalat ng COVID-19 Omicron variant sa bansa.

Samantala, sinabi ni Parañaque Mayor at concurrent Metro Manila Council Chairperson Edwin Olivarez na wala pang napagkakasunduan na curfew para sa mga nakatatandang Pinoy.

Nagkasundo naman aniya ang 17 alkalde sa National Capital Region na mananatili sa alert level 3 ang buong rehiyon kahit umabot na sa 55% ang nagagamit na espasyo sa mga ospital dahil sa mga nahawaan ng coronavirus. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.