Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

10K daycare student inayudahan sa Valenzuela

0 477

Dahil sa extension ng general community quarantine sa Metro Manila hanggang July 15, binigyan ng Valenzuela City government ng mga food pack ang may 10,600 na estudyante na naka-enroll sa iba’t ibang mga daycare center.

Ayon kay Mayor Rex Gatchalian ang mga bata ang vulnerable sector ngayong pandemic kaya bukod sa food pack may kalakip itong mga babasahin hinggil sa pag-obserba ng tamang quarantine protocol na dapat sundin ng mga magulang sa kanilang mga anak.

Kabilang sa pinamigay sa mga bata ang gatas, jelly juice, macaroni noodles, at mga de lata. Ito ang pangalawang wave ng programa na unang ginawa noong Abril. (Orlan Linde)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.