Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

10K COVID bakuna nasayang – DOH

0 59

Iniulat ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje kahapon na nasa 10,000 bakuna na dinala sa bansa ng nasayang at hindi napakinabangan.

“To date, we have about 10,000 doses already registered as wastage,” ani Cabotaje sa panayam ng dzBB kahapon.

Ayon sa undersecretary, problemang teknikal ang karaniwang naging sanhi ng pagkasayang ng mga bakuna.

“Ibig sabihin ang mga bakuna… ‘yong mga frozen vaccines ay na-thaw after a certain period,” aniya. “There’s another [incident] ‘yong hindi na plug noong bumalik ang kuryente. These are what we call temperature excursions.”

“Sa ibang areas naman, may mga nabasag, walang label, may mga nahulog,” dugtong pa niya.

Bagama’t maliit na porsyento lamang ang 10,000 kumpara sa mahigit 40 milyon bakuna na dinala sa bansa, sayang pa rin umano ang mga ‘di napakinabangan. (MJD)

Leave A Reply

Your email address will not be published.