Una sa Balita

…Pero duda si Ronda!

By
0 1,258

Puro ingay si Floyd Mayweather, Jr. na tatawid na sa Mixed Martial Arts.

Totoo nga, puro ingay lang.

Ayon sa dating female MMA superstar na si Ronda Rousey, hindi niya kakagatin ang ideyang lalaban sa MMA ang retired boxing great na si Floyd.

“Yeah, that’ll never happen,” komento ni Rousey sa deklarasyon ng kapwa Amerikanong si Mayweather, na lalaban na sa MMA ngayong taon.

“It’ll never happen. It’s all talk.”

Kontra pa ni Rousey, kung nambarako si Mayweather sa mundo ng boksing, ibang usapan aniya sa MMA.

“Different strokes for different folks, but I don’t think he’d do well in MMA at all,” panapos niya.