Una sa Balita

Makikisali sa pick five ngayon

By
0 558

Sa ika-4 ng hapon ang simula ng unang takbuhan sa ating karera ngayong Miyerkules dito sa Saddle Clubs & Leisure Park sa Naic Cavite.

At mas maaga pa rito ay kaila­ngang nasa mga paboritong off-track betting stations na ang mga karerista. Ito ay para makasali sa gaganaping pick five event na may P403,906 na carry over.

Group-5/6 merged ang panimula ng malaking labanan ngayon. At dito ay may tatlong kabayo ang napipisil ng ating mga clockers at tiyempistas mula sa 10 kabayo na nakalinya.

Ang mga ito ay sina Can’t Rule Out, isang imported runner galing USA at rerendahan ni Apoy P. Asuncion, Real Flames na ipinasok ni George R. Raquidan at ipinasakay kay Conrad P. Henson.

At ang isa pa ay ang coupled runners An Affair To Remember na isang imported runner galing Australia at papatungan ni Val R. Dilema at Stravinsky na si Dennis L. Camañero ang gagabay.