Una sa Balita

Ingat sa biyahe ngayong Semana Santa

By
0 990

Congratulations sa 8 sunod na UAAP championship na nakuha ng Adamson softbelles. Lalo na kay coach Ana Santiago na siyang nagtuloy ng legacy ni coach Boy Codiñera.

***

Pagbati din sa Magnolia Hotshots sa pagpasok nila sa finals vs. SMB.

First time din ito para kay coach Chito Victolero. Goodluck sa team, pagkumpleto at “healthy” ang former Purefoods team na may moniker na Ang Pambansang Manok, tiyak na kaya nilang talunin ang Beermen.

***
Sa Division 2 ng NBTC tinalo ng DLSU Lipa ang Balanga Bataan, bagama’t natalo ang Bataan, maganda ang nilaro ni KG Raymundo na anak ng ex-PBA player na si Kerby Raymundo. At sa ­Division 1 naman nagkampeon ang NU Jrs., nanalo sila kontra LSGH.

Nasaksihan ko din ang isa sa Fil-Am na ang pangalan ay GREEN, na nagwagi sa slamdunk championship. Kakaiba ang ginawa niyang dunk hindi mo makikita sa HS players or college ­pla­yers.

***

Nung Marso 24 naman nakasama namin sa Calumpit, Bulacan ang bagong recruit ng Le­gends na si Eric “Major Pain” Menk. Nakapanayam ko siya at paminsan-minsan na lang din siyang maglaro. Pero makikita sa kanyang pangangatawan na hindi siya nagpabaya. Tahimik at still a nice guy.

Siyempre dumating ang Agila ng Bulacan na si Mayor Christian Natividad at ang batang Mayor Alvarado.

***

Kinabukasan ng Linggo, (Marso 25) dumalo tayo para sa pagpugay kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa laun­ching niya ng Three Pointer ng Bayan nationwide.

Namigay ng rubber shoes at bola sa 10 achie­vers ng Las Piñas na galing sa indigent na mga pamilya. Ang unang dumating sa VIP ay si Sec. Martin Andanar, kasama ang misis na si Alelee.

Lumahok kami sa 4-on-4 mini halfcourt game. Kakampi ko si ex-PBA star Noli Locsin. Kalaban namin ang team ni Cap. Alvin Patrimonio at ­ex-pro Willie “Thriller” Miller.

Kasama din sa entourage ni SAP Bong Go sina DPWH Sec. Mark Villar, kuya Ipe Salvador, Gov. Lray Villafuerte at Nicky Romero.

Ang pinaka-crucial siyempre ay ang ­overwhelming support nila Mayor Mel ­Aguilar and family, Carlo Aguilar, Peewee Aguilar at mga kasama sa konseho at lahat ng bumuo ng ­nasabing event.

***

At panghuli nais kong batiin ang aking ama na si legendary coach/player Filomeno “Boy” ­Codiñera ng belated happy birthday!!!

At ingat po sa biyahe sa mga magbabakasyon ngayong Semana Santa.