Una sa Balita

Pwede bang magkasakit kapag nakipag-sex sa bakla?

By
0 6,573

Dear Dra Holmes:
Magandang umaga po.

Mayroon lang po akong 2 tanong po. Sana matulungan niyo po ako: Once po ba na nakipagsex ka sa bakla, pwede po bang magkaroon ng sakit?

Dear Richard:

Maraming salamat sa napakaderechong sulat mo. 

Nakakatuwa, kasi ako rin ay puwedeng makipag sulat ng derecho: Kung nakipag sex ka sa bakla, puwede bang magkaroon ng sakit?

Puwedeng-puwede, Richard, pero hndi dahil siya ay bakla.

Kasi, kahit na isang beses ka lang makipag-sex sa babae, puwede ka ring magkasakit. 

Ang basehan ng pagkakaroon ng sakit ay hindi kung ang tao ay bakla, transgender, lesbian, ‘tunay’ na lalake o ‘tunay’ na babae.

Ang mahala­gang kailangan mong malaman ay hindi tungkol sa sexual orientation (anong kasarian siya nalilibugan) pero kung mayroon siyang sakit (STD) o hindi.

Kung may bakla na walang sakit, kahit ilang beses kayo magtalik. Hindi ka magkakasakit.

Kung ang straight person (babae may gusto sa lalake, lalake may gusto sa babae) ay may sakit, depende sa sakit at anong ginawa ninyo, maari kang magkasakit kahit unang beses lang kayo nagsiping.

Good luck—MG Holmes
***
BJ

Related Posts

Dear Dra Holmes:

Isa pong tanong: Kapag blowjob po ba sa mga bakla ay magkakasakit pa din? David

Dear David:

Maraming salamat sa sulat mo.

Uulitin ko ang nasulat ko sa taas, ok, dahil napa­kahalagang matandaan: Hindi ang pagiging bakla ang nagbibigay ng sakit kung magsiping o mag blowjob o mag anal sex ang isang tao. Ang mahalaga ay kung may sakit ang tao sinisipingan mo.

Kung walang sakit ang isang bakla, kahit anong gawin mo sa sex ay hindi mag-reresulta sa sakit.

Pero kung ang babae na mayroon kang relasyong sekswal ang iyong bli-now job (cunnilingus) maaari kang magka sakit kahit isang beses lang kayo ma cunnilingus.

Kung siya naman ang nakipag blow job sa iyo (fellatio), at na kayong ibang ginawa, malamang hindi ka magkakasakit.

Hindi ito 100% garantisado, dahil, depende sa sakit, kung may sugat ka sa ari mo, at ang laway o labi niya ay mahipo (touch) yung sugat mo, baka ka magkasakit, depende kung gaanong karami ang sakit ng babae sa kaniyang dugo o anong klaseng sakit mayroon siya.

Inaasahan ko nakatulong ako sa iyo. Ingat —MG Holmes

Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

 Sulatan at i-LIKE siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes o sundan sa Twitter: http://twitter.com/drmargieholmes