Una sa Balita

Jollibee, KFC inalmahan sa lumiliit na manok

Chicken sad, finger size?

By
0 9,999

PALIIT nang paliit nga ba ang chicken na sini-serve sa mga fast food restaurant? Napansin ito ng mga netizen at ang iba ay nag-post pa ng inorder nilang chicken.

Isang netizen ang nag-post sa Facebook ng kanyang inorder sabay komento na “mga pare ako lang ba nakakapansin na paliit na ng paliit ang manok sa jollibee”.

May isa pang nag-post sa FB ng inorder na rice, isang chicken at gravy sabay komento na “Thigh part pare! Paliitan na ba ng chicken labanan ngayon mga pare’t mare?” na nilagyan pa ng sad face emoji.

Ayon sa mga nasa restaurant industry, tumaas ang presyo ng manok dahil nagmahal ang presyo ng feeds. Idinahilan nila na hindi pa umano nakakarekober ang industriya sa pagsunog sa mga manok noong nakaraang taon dahil sa bird flu outbreak.

Sa mga kostumer ng Jollibee, chicken sad na ang tawag nila sa Chicke­n Joy dahil sa liit nito.
Sa KFC naman, finger na lang daw ang chicken imbes na finger lickin’ good.

Wala pang pahayag ang dalawang kompanya tungkol sa lumiliit nilang mga manok.

Sabi naman ni Mark Gamboa ng marketing ng Max’s Group of Companies, ang natatanggap nilang mga reklamo ay dahil sa kalituhan sa spring chicken at regular chicken.

Hindi umano nila puwedeng liitan ang kanilang manok dahil may nakatakdang bigat ang isini-serve sa mga kostumer nila.

Ang spring chicke­n ay 500 grams, ang regular chicken ay 600 hanggang 700 grams at ang family size chicken ay 700 hanggang 800 grams.

Dahil walang brea­ding ang kanilang manok, hindi nila ito mapapalaki sa tulong ng butter o itlog na may halong harina bago iprito.

Sabi ni Gamboa, dahil nagtaas ang presyo ng feeds, naapektuhan din ang halaga ng manok sa merkado.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy