Una sa Balita

Horoscope 03/15/2018

0 501

ARIES (March 21-April 19) – Mag-isip muna nang makailang ulit bago mag-react. Mas maiiwasang mapasubo kung mananatiling kalmado sa bawat sitwasyon. Mahirap magsisi sa dakong huli. Lucky number for today: 43.

TAURUS (April 20-May 20) – Sa pagkakataong ito, kumukuha ka ng lakas at inspirasyon sa mga pamilyar sa iyo. Hindi ito ang panahon para makipagsapalaran sa isang tao o isang bagay na hindi mo pa nasusubukan. Lucky number for today: 38.

GEMINI (May 21-June 20) – Matindi ngayon ang paghaha­ngad mong makalaya kahit pansamantala. Kung nakakasakal na ang isang relasyon, hindi masamang mag-lie low. Ibaling muna sa ibang bagay ang iyong atensyon. Lucky number for today: 35.

Abante Hiring – IT dep

CANCER (June 21-July 22) – Magrelaks lamang. Walang maitutulong sa iyo ang pagpapanik. Mas lamang ang mga pagkakamali kung masyado kang tensyonado. Lucky number for today: 22.

LEO (July 23-August 22) – May kailangan kang lagpasan ngayon. Bagama’t nakaka-frustrate ang nangyayari, hindi naman ito pangmatagalan. Lucky number for today: 42.

VIRGO (August 23-September 22) – Magpokus sa mga maliliit na detalye ng mga plano mo. Dito maaaring magmula ang mga aberya. Lucky number for today: 2.

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Madali mo lamang makukumbinsi ang mga tao sa paligid mo pagdating sa isang hindi pangkaraniwang plano. Kailangan mo ang kanilang kooperasyon kaya umpisahan na ang pagpapaliwanag. Lucky number for today: 34.

SCORPIO (October 23-November 21) – Huwag iwanan ang isang naumpisahan. Sa halip na isuko ang lahat, humi­ngi ng tulong sa taong pinagtitiwalaan mo. Lucky number for today: 1.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Bago ibahagi ang iyong opinyon, siguraduhin munang ito ang hinihintay mula sa iyo. Iwasang pangunahan ang lahat. Lucky number for today: 5.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Dagdagan pa ang pang-unawa at pagti­tiyaga. Pakinggan ang mga sinasabi sa iyo at huwag munang isingit ang saloobin mo. Lucky number for today: 6.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Isang alalahanin ang tuluyan nang mareresolba at maisasara. May pagkakataon ka nang makapagrelaks. Gawin ito upang ihanda ang sarili sa mas lalo pang mapanghamong mga araw. Lucky number for today: 16.

PISCES (February 19-March 20) – Mas competitive ka sa araw na ito. Na-a-appreciate naman ng mga importanteng tao sa buhay mo ang lahat ng iyong effort. Tuloy-tuloy lamang at nalalapit na ang mga positibong resulta. Lucky number for today: 49.