Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

107 pulis tinamaan ng coronavirus

0 196

Umabot sa 107 ang bilang ng mga bagong kaso ng tinamaan ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Base sa datos na inilabas ng PNP kahapon, mula sa walong bagong kaso noong Lunes, bigla namang umangat sa higit 100 ang bilang ng mga nahawaan ng coronavirus.

Samantala, umabot na sa 164 ang mga aktibong kaso ng COVID sa PNP.

Umakyat naman sa kabuuang 42,370 ang bilang ng mga kumpirmadong nagpositibo sa COVID.

Nasa 42,081 na ang mga gumaling habang 125 ang namatay. (Sherrylou Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.