Una sa Balita

107 mayor, brgy off’l kakasuhan sa maduming Manila Bay

0 635

MAGPAPALABAS ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng show cause order laban sa 107 lokal na opisyal sa bansa na nagpabaya umano sa paglala ng polus­yon sa Manila Bay.

Ayon kay DILG Undersecretary Martin Diño, kasama sa listahan ang mga alkalde at opisyal ng barangay na sumasakop sa Manila Bay.

Ang Manila Bay ay sumasakop sa kanlurang bahagi ng Luzon at sumasaklaw sa Metro Manila at Cavite sa ­silangan; Bulacan at Pampanga sa hilaga; at Bataan sa kanluran at kanlurang hilaga.

“For the past 10 years ang nangyari d’yan… monitoring, valuation, validation pagkatapos picture-taking. Kaya na­tutuwa ako nu’ng sa amin ngayon monitoring saka prosecution,” ani Diño sa isang interview sa DZBB.

Dagdag ni Diño, sasampahan nila ng kaso sa Office of the Ombudsman ang mga kasali sa kanilang listahan na mabibigong magpaliwanag sa mabilis na pagdumi ng tubig ng Manila Bay sa kanilang hurisdiksyon.

Nakakadismaya aniya na hindi naaksyunan ng mga lokal na opis­yal ang panganga­laga sa paligid ng Manila Bay, partikular ang pagpapatupad ng batas sa tamang pagtatapon ng basura sa kanilang mga lugar.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy