Una sa Balita

Marian paiiyakin nang husto ng GMA

By
0 3,826

Mukhang hindi na magtatagal at mapapanood na muli ng mga tagahanga nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang mga Kapuso Primetime King & Queen sa primetime series ng GMA-7.

May balita kaming posibleng magsimula na ng bagong serye si Dingdong ngayong summer. Sana matuloy ang konsepto na nabalitaan namin na gagawin ni Dingdong dahil bagay sa actor ang character.

Si Marian naman, heavy drama ang susunod niyang serye habang hoping na rin sila ni Dingdong na mabigyan ng kapatid ang anak na si Zia.

Abante Hiring – IT dep

May naririnig kaming Kapuso leading man na posibleng ipareha kay Marian sa susunod niyang primetime series at kung ito nga, finally ay matutuloy na rin sila ng Kapuso actor na magkasama.

Kyline Alcantara kinamumuhian ng mga fan

Naging maingay talaga ang Kambal, Karibal star na si Kyline Alcantara dahil sa ipinapakita niyang performance sa serye. Nagkaroon ito ng fan meet sa Sky Ranch, Tagaytay kamakailan para pasayahin ang mga sumusuporta sa kanya. Sama-sama silang nag-enjoy sa mga rides, nagkwentuhan at nagsalo sa pagkain.

Bigla itong napahinga muna sa pagiging kon­trabida niya at pinakita ang pagiging mapagmahal niya sa kanyang mga supporter. Ibang-iba sa karakter niyang si Cheska sa primetime serye dahil sukdulan na ang pagiging masama ng ugali nito dahil na rin sa kagagawan ni Crisel na nasa loob ng kanyang katawan ngayon.

Definitely, nakatuklas ang Kapuso ng bagong kamumuhian ng mga manonood dahil sa husay niyang mang-api.

Charlene mahal na mahal ang anak nina Janice, Aga

Nakakatuwang tingnan na sina Aga Muhlach at Janice de Belen ngayon kung babalikan ang simula nila nang ipanganak ang anak nila na si Luigi Muhlach.

Ngayon, sama-sama sila at very proud silang lahat kay Luigi na nag-open ng bagong restaurant na Lumu.

Parang first time na nakapag-post ni Luigi na picture niya kasama ang mga magulang na sina Janice at Aga.

Sa post ni Luigi sa IG niya, “We may had our struggles but I will forever be grateful to have you both in my life ma and pa! Maraming maraming salamat sa lahat! Mahal na mahal ko kayong dalawa!”

Maging si Charlene Gonzales na wife ni Aga ay puring-puri ng netizen nang mag-post din ito at i-congratulate si Luigi.

Nakikita raw nila na mahal ni Charlene ang step-son na parang tunay rin nitong anak.