Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

105 lugar sa NCR bantay-sarado ng PNP

0 134

Umakyat sa 105 ang bilang ng mga lugar sa National Capital Region (NCR) na sinailalim sa granular lockdown, batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP) kahapon.

Nadagdagan ito mula sa 98 na huling iniulat ng pulisya.

Ang 105 lugar na nasa granular lockdown sa kasalukuyan ay matatagpuan sa 58 barangay sa Metro Manila. Kabilang dito ang 57 bahay, 28 residential building, 12 subdivision at anim na palapag ng residential building.

Nakatalaga naman ang 322 pulis at 251 force multiplier upang magbantay sa mga naturang lugar at umalalay sa mga residente.

Kasalukuyang nasa alert level 3 ang Metro Manila. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.