Una sa Balita

Yasmien suportado ang kaibigan na may AIDS

By
0 2,286

Ang ganda at ang sexy ni Yasmien Kurdi nang humarap ito sa mga press sa presscon ng kanyang bagong afternoon prime ng GMA-7 na, Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

Maraming napahanga si Yasmien dahil na-maintain na raw talaga nito ang kaseksihan at higit pa rito, alam mong masaya lang talaga siya sa buhay pamilya niya kaya naman ganda-gandahan at bloomin­g talaga.

Partida at may sakit pa rin siya nang humarap sa press dahil hindi nga raw niya alam na may asthma pala siya at ngayon lang na-detect. Kaya nagugulat si Yas­mien na parang ang tagal na raw ng sakit niya kahit kung ano-ano na ang ginamot niya.

Ironically, may sakit din ang ginagampanang karakter ni Yasmien sa HKKIK dahil isa siyang HIV victim, nahawahan siya ng karakter ni Martin del Rosario na nang-rape sa kanya.

Sa pagkukuwento ni Yasmien, tila sobrang napamahal sa kanya ang bagong advoca-serye nila na kahit labas na sa show, may mga personal na raw siyang pinupuntahan na advocacies na may kaugnayan sa H.I.V. or AIDS awareness. Hindi na pinangalanan ni Yasmien, pero may kakilala at kaibigan na rin daw siyang nabiktima nito.

Sabi pa niya, “Sobrang alarming na talaga. Sa buong Asia, number one ang Philippines sa bilang na merong cases ng H.I.V. At pabata pa nang pabata ang nagkakaroon, 13, 14 years old.”

Papalitan ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka sa February 26 ang magtatapos na Haplos. Aminado si Yasmien na kahit kilalang rater among the Kapuso stars, may pressure pa rin siyang napi-feel dahil sa matataas na r­atings ng mga afternoon prime ngayon ng network.

“Pressure po talaga. Lagi naman pong pressure talaga. Sana mag pray-pray lang po tayo na sana, tulungan tayo ni Lord. At sana ang mga tao, sana manood po kayo.

“We always pray. Prayer can move mountain. At sana panoorin talaga ng mga tao kasi, marami silang matutunan. Hindi siya ‘yung usual na kabit-serye.”